Sunday, June 4, 2017

PAGKILALA NG PERSONAL KAY HESUS

Kanyang ipinaaalam ang Kanyang mga daan kay Moises, ang Kanyang mga gawa sa mga anak ni Israel.
-Awit 10:3-7

Karamihan ng Cristiano ay mas gustong makita ang Dios ay naghihimala kaysa makisama sa Kanya at pag-aralan ang Kanyang mga daan.

Sabi ng teksto ngayon, ipinakita ng Dios ang makapangyarihan Niyang gawa sa mga anak ni Israel, ngunit kay Moises “(itinuro) ang Kanyang mga daan.” Sinabi sa Exodo 33 ang isang mahigpit na krisis kung kailan pakumbabang nanalangin siya, “Kung ako’y nakatagpo ng biyaya sa Iyong paningin ay ituro Mo sa akin ngayon ang Iyong mga daan” (t.13). Nais niyang makilala lalo ang Panginoon at malaman ang Kanyang mga daan kaysa makikita ng isa pang himala. Kaya pala nakipag-usap ang Dios sa kanya “gaya ng isang taong makikipag-usap sa kaibigan (t.11).

Isinulat ni F.B.Meyer ang tungkol sa pagkakaiba sa pagitan ng mga daan at mga gawa, “Ang mga daan at plano ng Dios ay ipinapaalam lamang sa mga malapit na nakikisama sa Kanya. Ang kongregasyon ay tinuturuan lang ng mga gawa Niya.”

Isang matalinong kaibigan ko, si Jennifer ang natanto ang pagkakaiba nito pagkatapos ng maraming taon sa wheelchair. Isang araw lumuluhang nanalangin, “Panginoon, marami sana akong nagawa para sa Iyo kung ako lang ay  naging malusog.” Malinaw niyang narinig ang tugon sa kanyang puso ng Panginoon, “Maraming tao ang gumagawa para sa Akin, ngunit kakaunti ang handa at kusang makipag-kaibigan sa Akin.”

Kung nais mong mas makilala nang personal ang Dios kaysa makita ang Kanyang mga  himala, masisiyahan ka.

-Joanie Yoder

“Noon ay pagpapala, ngayon ang Panginoon
Noon ay damdamin, ngayon Kanyang Salita lang
Noon bigay na kaloob, ngayon Taga-Bigay
Noon ako’y pagalingin, ngayon tanging Siya lamang.”


ANG PAGKILALA SA DIOS AY HINDI LAMANG MAKITA KANYANG MGA GAWA, KUNDI MATUTUNAN DIN ANG KANYANG MGA DAAN.

No comments:

Post a Comment