Sunday, June 4, 2017

PAGKAKAMALI

Sa pamamagitan ng pananampalataya… Lumakas mula sa kahinaan, naging makapangyarihan.
-Hebreo 11:33-34

Noong 1929 hanggang 1939, bagsak na bagsak ang ekonomiya ng Estados Unidos, kaya maraming tao sa bansang iyon ang tumira sa barung-barong. Doon tumitira ang mga napaalis sa kanilang tinitirhan dahil wala nang maibayad. Isinisi ng marami kay Pangulong Herbert Hoover ang pagbagsak ng ekonomiya.

Bago naging Pangulo si Hoover, marami siyang magagandang nagawa. Nagkaroon ng matagumpay na minahan sa Australia at China nang dahil sa kaalaman niya sa pagkilatis ng mga bato at pagmimina. Nanguna din siya sa pagtulong sa mga nangangailangan. Pero nang maging Pangulo, wala siyang nagawa nang magsimulang bumagsak ang ekonomiya noong 1929. Mula noon, kapag pinag-uusapan si Hoover, ang pagbagsak na iyon ng ekonomiya ang pumapasok sa isip ng mga tao.

Kahit nakagawa ng malaking pagkakamali ang isang tao, hindi nangangahulugan na bagsak na siya sa buong buhay niya. Paano kung ang naalala lang natin ay ang mga pandaraya ni Abraham (Genesis 12:10-20), ang pagsuway ni Moises (Mga Bilang 20:1-13) at ang pagpatay ni David (2 Samuel 11)? Sa kabila ng mga kasalanang ito, naaalala sila sa matatag nilang pananampalataya (Hebreo 11:33-34).

Hindi isang kabiguan ang buhay natin kung tayo’y magsisisi sa kasalanan. Maaari pa rin tayong gamitin ng Dios para Siya ay mapaglingkuran.

-Dennis Fisher

“Ang mga natutunan sa pagkakamali,
Sa pagtatagumpay ito nauuwi,
At kung ito’y bibigyang pansin,
Ang kamalia’y makatutulong sa atin.”


MADALAS TAYONG NATUTUTO SA PAGKAKAMALI.

No comments:

Post a Comment