Sunday, June 4, 2017

PAG-IBIG SA KAPWA

Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.
-Lucas 10:27

Nasira ang aming hair dryer. Ang totoo, madaling bumili ng bago, pero dahil gusto kong makatipid, sinikap ko itong ayusin. Binuksan ko ang aking pocket knife o kutsilyo para tanggalin ang turnilyo, pero biglang sumara ang kutsilyo, nahagip ang aking daliri at nahiwa ito.

Mayroon akong nalaman sa araw na iyon: Mahal ko pala ang aking sarili. Agad ko itong inasikaso. Ni hindi ko naisip na mamaya ko na lang iintindihin ang aking daliri. Agad kong tinawag ang aking asawa’t mga anak at maingat na pinahugasan sa kanila ang aking daliri. Pinalagyan ko pa ito ng bandage sa paraang hindi mabubunot ang mga balahibo sa daliri kapag tinanggal iyon. Ang aking mga iniisip, sinasabi at ginagawa ay bunga ng pagmamahal sa aking sarili.

Inutusan tayo ni Jesus na mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Ang gayong klase ng pagmamahal ay ipinapadama agad. Nakikita nito ang pangangailangan ng iba at hindi titigil hanggat hindi iyon natutugunan. Kung ganoon ang ating pag-ibig, magiging maingat tayo sa ating mga iniisip at ginagawa. Handa tayong magsakripisyo at magmalasakit sa iba, tulad ng ginawa ng Samaritano sa kuwento ni Jesus. Ito ang pag-ibig na nais ng Dios ipadama sa ating kapwa.

-Joe Stowell

“Tulungan Niyo po ako na aking mapansin,
Kailangan ng mga taong ipinagkatiwala sa akin;
Nawa sa pamamagitan po ng salita ko at gawa,
Pag-ibig Niyo sa kanila’y aking maipadama.”

HINDI MALALAMAN NG IYONG KAPWA NA MAHAL MO SILA KUNG HINDI MO ITO IPINADARAMA.



No comments:

Post a Comment