Sunday, June 4, 2017

PAANO KUNG?

Sumunod si Abraham… kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta.
-Hebreo 11:8

May ipinapagawa ba sa iyo ang Dios na sa palagay mo ay hindi Niya dapat ipagawa sa iyo? Paano kung papuntahin ka Niya sa isang lugar na hindi mo alam? Paano kung sabihan ka ng Dios na hayaan mo ang iyong anak na pumunta sa napakalayong lugar para maglingkod sa Kanya?

Kapag hindi natin alam ang isang sitwasyon, lagi nating naitatanong sa ating sarili kung ano kaya ang mangyayari. Pero madalas naman tayong dinadala ng Dios sa ganitong mga sitwasyon. Halimbawa, iniutos Niya na magpatawad tayo, ipamigay ang ating mga kayamanan, o iwan ang mga bagay na nagbibigay sa atin ng seguridad at kasiyahan.

Ano kaya ang naramdaman ni Abraham nang utusan siya nang Dios na pumunta silang mag-asawa sa lugar na hindi naman nila alam (Genesis 12:1-3)? Dapat silang manatili sa lugar na iyon kahit maaaring natutukso na silang balikan ang luho at dati nilang tirahan. Kaya’t sinabihan sila ng Dios na magpakatatag.

Ang pagpunta sa isang lugar na hindi natin alam ay katulad din ng pagpasok ng bagong taon. Ang mga tanong na ‘paano kung…’ ang maaaring maging hadlang sa pagsunod natin sa Dios. Tulad ni Abraham, nasa mabuti tayong kamay kung magtitiwala tayo sa Dios na nakakaalam ng lahat ng bagay.

Isinulat ni: Joe Stowell

“Mangyayari sa kinabukasan, hindi natin nalalaman,
Ngunit aking natitiyak, kung sino ang humahawak;
Nakikilala ko rin ang umaakay sa akin:
Ang Panginoong Dios na gumagabay nang lubos.”


KAHIT HINDI NATIN ALAM KUNG ANO ANG MANGYAYARI, ALAM ITO NG DIOS AT MAIPAGKAKATIWALA NATIN ITO SA KANYA.

No comments:

Post a Comment