Sunday, June 4, 2017

PANGHIHINA NG LOOB

Pinaghahanap nila ako upang patayin din.
-1 Mga Hari 19:10

Pinanghihinaan ka na ba ng loob? Naramdaman ito ni Elias. Matagumpay niyang naipakita sa bansang Israel na ang Panginoon ang tunay na Dios (1 Mga Hari 18.) Pero nang pagtangkaan ni Reyna Jezebel ang bahay ni Elias, tumakas ito at pinanghinaan ng loob (1 Mga Hari 18; 19:3.)

Dalawang beses siyang tinanong ng Dios kung ano ang ginagawa niya sa pinagtataguan niya. Sagot ni Elias, “Ako na lamang ang natitira, at pinaghahanap nila ako upang patayin din” (1 Mga Hari 19:9-14.) Takot na takot siya. Nawala na sa isip niya ang kahanga-hangang ginawa ng Dios sa pamamagitan niya. Kahit nagtagumpay si Elias noon, pinanghinaan siya ng loob. Maaari din itong mangyari sa atin.

Hindi tinanggap ng Dios ang pagsuko o ang panghihina ng loob ni Elias. Sa halip, binigyan pa siya ng Dios ng tatlong mahahalagang gawain. Ang totoo, mali si Elias nang sabihin niyang siya na lang ang matitirang matapat na lingkod ng Dios dahil may pitong libo pang natitira (talatang 15-18.)

Marahil tulad ni Elias ay pinanghihinaan rin tayo ng loob. Hayaan nating kumilos ang Dios sa ating buhay (talatang 12) at hindi Niya tayo hahayaang sumuko. Ipakikita Niya ang ating magagawa sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan.

-C.P. Hia

“Nasa Panginoon ang lakas at pag-asa,
Ang kapayapaa’y nasa Kanyang Salita;
Kahit ang pag-asa ay nawawala na,
Alam natin na tayo’y iingatan Niya.”


KUNG GUMAGAWA PARA KAY JESUS, WALANG PANAHON PARA SUMUKO.

No comments:

Post a Comment