Tayo’y haharap sa hukuman ni Cristo
at tatanggap ng nararapat ayon sa ating mga gawang mabuti o masama, nang tayo’y
nabubuhay pa sa daigdig na ito.
-2 Corinto 5:10
Ano kaya ang mararamdaman mo kung
pagpasok mo iyong trabaho ay sasabihin ng boss mo, “Pumunta ka sa aking opisina
mamayang 9:30. Mayroon tayong pag-uusapan tungkol sa trabaho mo.”
Mahalaga ang pagharap na iyon sa
boss, pero nakakakaba ito. Maaaring maisip mo na baka tatanggalin ka sa
trabaho, o baka itataas na ang posisyon mo at madadagdagan ang iyong suweldo, o
kung pupurihin ka niya.
Mayroong binabanggit sa Biblia na
pagharap ng tao sa Dios. Higit itong mahalaga. Isinulat ni Pablo na ang bawat
mananampalataya ay “haharap sa hukuman ni Cristo at tatanggap ng nararapat ayon
sa ating mga gawa” (2 Corinto 5:10.) Sa pagharap kay Cristo ng mga nagtitiwala
sa Kanya, hindi sila kakabahan na baka tatanggalan sila ng karapatang pumasok
sa langit. Hindi papuri ng tao ang kanilang aasamin doon. Sa halip, buong
pananabik nilang hinihintay na sasabihin ng Dios sa kanila, “Magaling! Mabuti
at tapat na alipin” (Mat.25:21.)
Ang hamon sa mga nagtitiwala kay
Cristo ay maglingkod nang buong katapatan para marinig din nilang sabihin ng
Dios sa kanila, “Magaling! Mabuti at tapat na alipin.” Batay sa Pamumuhay natin
ngayon, ano kaya ang magiging resulta ng pagsusuri ng Dios sa atin?”
Isinulat ni: Bill Crowder
“Nalalaman
natin na darating ang panahon;
Tayo’y
haharap sa ating Panginoon;
Maririnig ba
nating sasabihin Niya sa atin,
Magaling!
Mabuti at Tapat na alipin?”
ANG PAGLILINGKOD NANG BUONG KATAPATAN
SA DIOS AY MAYROONG GANTIMPALA SA LANGIT.
No comments:
Post a Comment